i kell you!!!

Thursday, July 31, 2008

I was digging on some old files to delete sa aking laptop ng ma- click ko ng hindi sinasadya ang mp3 file na ito, at friend, I think I have found the cure for boredomness! Medyo pinepeste ako ng aking HD kaya di ko siya ma upload on my end. Buti na lang at may link sa youtube. Maaaring nai forward na ito sa mga email nyo noon pero for the sake of those na clueless, heto't ishe share ko sa inyo. Sino may problema sa bakla, ibuka ang hita... ah este taas kamay pala! Chekah!


Skype

Sa panahon ngayon, masasabing hindi na pahuhuli ang mga pinoy pagdating sa teknolohiya. Tanda ko pa noong ako ay baklette pa lamang ng mauso ang celfone. Si Governor Vi at Patrick Garcia pa ang naging endorser ng mala- pangkayod ng yelong Startac na kasama pag nag apply ka ng linya sa SMART. After more than a decade, nagsulputan na ang ibat ibang klase ng cellphone, depende sa lifestyle ng gumagamit. Nagkaron ako ng kauna- unahan telepono when I was in college. 'Day, dugo ang iniluha ko sa mama, lalo na sa papa ko, makamit lang ang minimithing Philips Twist na ginamit sa movie ni Will Smith na Enemy of the State. Syempre pa, bilang isang butihing anak, hiniling ko iyon nang magkausap kami ni Papa noong siya ay nasa ibang bansa pa, bilang graduation gift noong high school. Never naman kasi akong naging sakit ng ulo nila. Reward baga. But no! Kung sa talim ng pananalita ni Puder sa akin, malamang mistulang sisig na ang tenga ko sa mga salitang sinabi niya. Na kesyo hindi naman daw ako anak ng senador para magka cellphone. Taray diba? Ngayon, halos makipagsabayan na din sa aming magkakapatid ang hitad sa pagpapalit ng unit! Ni hindi siya mapakali kapag walang load ang kanyang pinaglumaang telepono! Oh, eh di lumabas din kung sino talaga ang tunay na anak ng senador diba?


There
s this new internet craze going on na mas bongga kesa yahoo messenger o windows live at yan ay ang skype. Naku marce, bongga 'to dahil real time ang video calls unlike sa yahoo na de- numero ang galaw ng tao sa video. It works the same way as any other instant messeging software pero mas maraming functionalities tulad ng skypecast. Kung dati eh nakiki- join at pa- type type ka lang sa Gay Men's Lounge ng yahoo, aba dito di ka lang magiging abala sa pakikipag pindutan sa keyboard kundi mangangawit din ang panga mo sa kaka- chika ng iba't ibang klaseng nilalang sa Earth! Pwede ka ding tumawag ng mga 1800 toll free numbers absolutely free. Kaya kung namomroblema ka sa dispalinghado mong router, hub, modem, computer parts o software, pwede kang tumawag gamit ang skype para makausap mo ng bonggang bongga ang mga tech support agents nila.
May local at international call and text features din ang skype pero syempre di na yon libre at kelangan mong magload ng skype credits para ma- avail mo yung service na yan. Salamat kay Giannet Diva sa pakikipag "blututan" ng laptop niya sa laptop ko, ngayon kinekembot ko ng bonggang bongga ang mga utaw gamit ang skype.

Pwedeng ma- download ang skype ng libre! Hinga lang ng malalim at i-click mo ang link na 'to. Go na friend!





Ang Blog... bow.

Ang pagsusulat ay isa sa mga kinatatakutan at kinatatamaran kong gawin noon. Habang ang ilan sa aking mga ka- eskwela noong highschool ay bising- busy bolahin ang mga sarili nila sa pagsagot ng mga tanong sa slum book, ako naman ay busy din sa pagbabasa ng chismis tungkol sa peyborit kong si Juday (ang magsabing baduy, mababaog!). Hindi ko alam kung anong meron ang babaeng yan at nahuhumaling ako sa kanya, not in a romantic kind of way of course. Pero, eto, sabihin nang isa akong dakilang fan, halos lahat ng pelikula at tv shows niya ay pinanood ko.

May ilan na nagustuhan ako at meron ding inisip ko na lang na for the love of kaya pinagtiyagaan kong panoorin (if not for her, hindi ko pagkakagastahan ang lintek na Ouija na yan!). Tanda ko pa noong isang beses na
sumama ako sa pinsan kong member ng fans club niya. Promo yon ng movie nila ni Wowie De Guzman at dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay napasok ko sa unang pagkakataon ang makipot na studio ng GMA 7 sa timog. Hanashan ang guesting niya dahil Startalk pa iyon with Boy Abunda, Lolit Solis at Dawn Zulueta. And then naganap na ang kauna- unahan kong kodak moment kay Juday. Halos alayan ko ng ube't kakanin ang pekchor na yan nang madebelop. Juiceko! Ang young superstar at ang nagiilusyong Tito Boy protege magkasama sa larawan na ang background ay mga jaguars at banner ng GMA Bisigbayan Foundation! Matapos niyan ay hindi na ulit ako nagpaka bibong sumama-sama sa pinsan ko sa mga Juday activities niya dahil pinagbawalan na ako ni Mudra. Pero parang eksena ni Claudine Barreto sa Iisa Pa Lamang, sinabi ko din sa sarili ko na "balang araw, magkikita din tayo sa pasilyo ng ABS-CBN at magkaka trabaho pa". Suntok sa buwan ang litanya kong iyon dahil alam kong ipagpipilitan sa akin ni Pudra na imbes MassComm ang kursong kunin ko ay mag Marine course na lang ako sa kolehiyo. But no! Wa kebs ako sa gusto niya at kinembot ko pa din ang kursong maglalapit sa akin kay Juday. Sa apat na taong iginugol ko sa kolehiyo, hindi nagbago ang paghanga at suporta ko sa kanya. Hindi ko na kinarir ang pagbili ng album niya dahil ayokong kunsintihin ang kalokohan ng manager niya! Nairaos ko ng bonggang bongga ang kolehiyo at tatlong araw pagkatapos ng graduation ay nakapagtrabaho agad ako bilang isang Call- Girl ('wag nang makelam sa adjective, blog ko 'to!) sa Makati at Commonwealth sa Quezon City. In between jobs, ay sumubok din akong magpaka involved sa showbiz nang maging manunulat ako sa MYX. Pero dahil hindi pa ako ganap na pilya't modern, isang buwan lang ang itinagal ng karera ko dun at muling nagbalik ang alindog ko sa pagsagot ng telepono sa katauhan ni ELEKTRA. Ngunit, subalit, datapwat, hindi na talaga maaalis sa katawan ko ang pagiging showbiz kaya't ako ay muling naglakas loob na balikan ang MYX for the same post. Magkahalong saya, lungkot, hulas, lapot, haggard, kiri, at landi ang inabot ko sa isang taon kong pamamalagi sa istasyong nagkaroon ng malaking bahagi ng buhay ko. But the best is yet to come dahil ang pangako ko sa sarili sampung taon ang nakalipas ay mangayayari right before my naked eyes. Si Judy Ann Santos ay magte teyping for October's MYX Celebrity Vj! Sintaas ng transmitter ng ABS ang enthusiasm ko dahil finally, makaka- trabaho ko na siya. Tatlo sa mga programang aking sinusulat ang dadaanan niya for the said teyping kaya naman binonggahan ko ang script with glitters and less baklaan/gigi all over nang di ako mapahiya sa kanya.


Eto na. Taping day. Kahit hilo pa ako sa editing the night before ay daig ko pa ang lumaklak ng isang case ng energo dahil hindi man lang ako nakaramdam ng antok friend. Natapos na't lahat ang first leg ng taping ay feeling cloud 9 pa din ako. OA na kung OA pero iba talaga ang impact ni Juday saken. Sa second part ng taping, mas naging composed na ako at di na nabubungisngis mag isa dahil sa sobrang kilig. Ang aking pareng si Miko ay may hinanda ding slight "gigi" dahil ginawan niya ko ng snail mail request for Juday's "My MYX" ep. Kalakip non ay ang kauna-unahang pekchor namin ni Juday na ikina tambling namin pareho! Salamat sa sorpresa pre at talaga namang na- "CAUGHTED" mo ang precious moments na iyon. Natapos at umere ng matiwasay ang mga episodes and I couldnt be more happier dahil sa tila maagang pamasko/pabertdey sa akin nila Sir Andre, Miss Mila and Miss Ina. Hindi naman yan masyadong halata sa pekchor ko with Juday dahil hanggang batok lang naman ang ngiti ko noh!


Medyo mahaba ang tiktak ko. Pagbigyan na't yaman din lang na perstaym ko magpost ng blog. Ibalato nyo na lang saken ang pagkakataong ibida sa una kong handog si Miss Judy Ann Santos...hihihi