Roll the red Carpet... Chekah!!!

Monday, September 15, 2008

Ako'y nagbabalik, sabik na sabik! Yes mga marce, finally ay nagkameron din ako ng chance makapagtanggal ng mga agiw at kung anik anik pang kembot sa aking muntik-nang-maging-obsolete na blog. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay tinalo ko pa si jollibee sa pagiging busy bee dahil sa dami ng aking ginawa. Bukod pa diyan ay may mga gusot din akong pinagdaanan partikular na sa aking trabaho bilang tagasagot ng telepono. Pero ok na ako ngayon, dahil isa na lang ang aking pinagkakaabalahan at iyon ay ang mambakla ng mga sinusulat kong scripts sa MYX...chekah!

Sinamantala ko na din ang pagkakataon na kumembot ng bonggang bongga bago matulog dahil ramdam ko na matatagalan bago ulit ako makapag- post dito sa aking mumunting blogey. May Vj Search kasi kaming pinagkaka- abalahan sa ngayon kung kaya hilong talilong na naman ako, sampu ng aking mga ka-chorvahan, sa mga susunod na araw. Pero 'di ako nagrereklamo dahil aylayket so much! Magpapasalamat din ako sa mga taong walang sawang tumutunghay sa aking blog, kahit pa kasing lev
el na lang nito ang barker channel ng skycable dahil sa mga same old posts ko. Maraming salamat talaga mga marce :) Yaman din lang at naispluk ko na sa inyo yung tungkol sa MYX Vj search na yan, pwede niyo rin bisitihin ang site na ito nang makilatis niyo ang aming 12 finalists.

Zsa zsa, ipipikit ko muna saglit ang mga mapupungay ko nang mata at hahanashin ko na lang kayo sa mga susunod na araw. Baboosh!