Its Summer Na!

Friday, March 12, 2010


Isa sa mga ina- anticipate ko na panahon ay ang summer. Ang mainit at makabitak- puking panahon ay hudyat para magtampisaw sa tubig. Syempre pa di rin mawawala ang pagsa sight- seeing ng mga lalaki at pa- mhin na naglalakad sa baybaying dagat. As for me, nataon ito sa sitwasyon kung saan ako, bilang pinagpalang- nilalang, ay malayo sa trabaho, at may panahong tumengga habang ninanamnam ang sarap ng pagiging isang bum... for now!


El Nino. Kasabay ng tag-init ay ang pagkamot din ng mga magsasaka sa bukirin dahil sa pagkatuyo ng lupang sakahin. Dahil na rin sa nagkakaubusan na ng suplay ng tubig, kung kayat apektado na din pati ang kanilang kabuhayan. Nakikisimpatya ako sa kanila, kaya panata ko na di muna magtatabo pag naligo, and instead, shower na lang. Contrary to common beliefs (naks, nagamit din si contrary), mas nakakatipid ka kung shower ang gagamitin kasi sapul sa buong katawang ang buhos nito kumpara sa tabo. Ewan ko sa inyo pero yun ang naobersbahan ko. Para mas maging kapani- paniwala ang teorya kong yan, sinubukan kong maligo gamit ang shower, habang nakatuntong sa loob ng palanggana. Kuskos, bula, hilod, banlaw... wolah! Resulta'y mabango at preskong singit! Ang tubig na naipon sa planggana ay kalahati lang ng isang timba! Ma-i share nga kay kuya kim yan. At bilang baklitang maabilidad, isinalin ko ang laman ng planggana sa tanke ng flush para mapakinabangan.

Ganun talaga pag bored ka na sa bahay, kung ano ano lang ang naiisip. Masabi lang na efficient! Chos!

3

Sunday, March 7, 2010

Ang pagkamahilig ko sa tv at pelikula ay nagsimula noong 3 years old ako. Yun yung panahon na adik sila ate na manood ng thats entertainment, manilyn live, young love sweet love, vilma at kung anu ano pang pinoy variety shows sa tv. Dahil sa kanila, naging certified SHARONIAN ako, at nakikitili sa tuwing makikita ko siya sa TV. At tulad ng ibang bata na nagaambisyon maging artista, aba nag- practice din ako umiyak at mag emote sa harap ng salamin. High school ako nun ng una kong sinubukan mag- audition para sa ANG TV. Sa DELTA Theatre pa yun. Sa awa ng Diyos, di ako nakuha. Pero ok lang kasi, ramdam ko, hanggang kalooblooban ko, na isang araw, magiging empleyado din ako ng ABS-CBN. Ilang live shows din ang napanood ko sa kanila hanggang sa napag- desisyunan ko na MASSCOM ang kursong kukunin ko sa college.


FAST FORWARD. Naging intern ako sa MYX. Isa yun sa mga pinaka- masayang pangyayari sa buhay ko. Pero sabi nga ni Barbara Streisand, some good things never lasts. Na- shonggal ako. Na- tegi. Na- there-u-have-it ang beauty ko dahil sa lumabas ang pagiging amazona ko at walang habas na nakipag suntukan sa kapwa ko rin amazona. Parang 2012 ang sumunod na eksena dahil gumuho lahat ng mga pangarap ko na maging parte ng kumpanyang matagal ko nang pinagpantasyahan. Nagsara man ang pintuan ng MYX, bumukas naman ang bintana ng ABS-CBN Foundation kung kaya natuloy pa rin ang internship ko through SINESKWELA. Naka- graduate ako from college, nakahanap ng trabaho sa call center, ngunit dahil sa puno ng ka- showbizan ang katawan ko ay nilayasan ko din ito after 2 years. Nagbakasakali akong mag- TV ulit. Sa MYX. Sa tulong na din ng mga marse, nabigyang katuparan ulit ang mga pangarap ko. Pero bilang marupok, akoy nag goodbye matapos ang isang buwan dahil na rin sa pressure dulot ng isang diva na nagngangalang GIANNET. Right love at a wrong time ang bulong sakin ni Barry Manilow. So off I go at bumagsak ulit bilang tagasagot ng telepono.

STRIKE 2. Matapos ang isang taon ng pagiging call girl, napag desisyunan ko na its time. Its time na magpaka- showbiz ulit. January 2007. Balik MYX ang drama ko. But this time, hindi naging madali ang mga pangyayari. Umabot pa sa puntong gusto ko na namang mag- alsa balutan. Salamat sa pagiging angkla ni Miss Tisay, nakayanan kong manatili ng isang taon. January 2008 ng mag- goodbye ako for the second time. Sumabak mangibambansa. Nakipaglandian at na- appreciate ang pagiging EXOTIC at bumalik ng Pilipinas, anim na buwan matapos kong lisanin ang music channel na labis kong minahal. Nagbakasakali ulit ako kung meron pang lugar ang isang malungkuting beki tulad ko. Meron pa naman. Kaya laking tuwa ko na maka- trabaho ulit ang pinaka masaya at the best grupo in the universe! There've been ups and downs, pero lahat yun ay parte ng mga bagay bagay na kailan man ay di ko matututunan sa ibang trabaho.

STRIKE 3. January 2010. Its that time of the year once again. Di ko alam kung naging panata ko na ang mag- resign sa panahong ito. Pero for a change, ginawa kong 3 months delayed before I finally said BABOOSHKA. Masayang hindi ang desisyong ginawa ko. Masaya kasi finally magkaka social life na ulit ako. Masaya kasi mabibigyang buhay ko na ulit ang blog ko. Pero parang hindi, kasi maiiwan ko yung mga taong nakasama ko ng mas mahabang oras kaysa sa sarili kong pamilya. Mga taong naka- witness ng mga kapalpakan, mga taong minahal, pinakisamahan, iniyakan noong mga gaga days, mga marce, the fagots, the divas, lahat ng nagkaroon ng puwang sa malasaging kong puso. Walang halong eklat. Mami- miss ko silang lahat. Kaya sa aking muling paglipad, hinding hindi ko kalilimutan lahat ng pinagdaanan ko sa istasyong paulit ulit kong minahal.

happy new year!

Sunday, January 4, 2009

january 3, 2009
saturday...

matapos ang mala- flash bomba na trabaho, minabuti ko munang wag umuwi. yaman din lang at pagfe facebook at friendster ang aatupagin ko sa bahay, mas pinili kong gumawa ng isang makabuluhang bagay sa opisina at yan ay ang maupo sa editing. 

9:30pm
si napoleon ang editor kaya mabilis ang naging trabaho namin, partida pa dahil nagloko na naman ang lintek na makina. nang mga panahong yon ay nandoon din "siya", nage- edit sa kabilang pinto. tamang kutob lang at nasabi ko na di dapat matapos ang gabing yon na di ko siya nakakausap. di dapat matapos ang gabing yon na di niya nalalaman ang problema ko. nagka meron naman ng chance na magkasalubong kami sa lobby, short talk kung ano ine- edit niya at kung hanggang anong oras siya. 12mn daw. maghihintay ako til 12 kung ganun.

12:00am
pinagtyagaan kong panoorin ang ufc habang nagiintay sa lobby. buti na lang si kuya, nilipat ang tv at nilagay sa animal planet. finally naka- relate ako sa palabas. ok na din yun para pantanggal yamot habang naghihintay. "ang tagal..." sabi ko, parang gusto ko na umuwi. pero hindi ako naupo ng tatlong oras para sa wala. maghihintay ako. kailangan ko ng sagot.

1:30am
nakita ko na siyang lumabas, may hawak na usage at mukang naghahanap ng ballpen tapos bumalik ulit sa loob. tapos na siguro editing niya. maya- maya pa, lumabas na siya dala ang bag niya. naupo sa lobby saglit, chumika sa isang editor at lumipat sa kinauupuan ko, nakipag kwentuhan na. ok daw yung kliyente niya, mababait naman. sabi pa niya baka mapirme daw siya sa programang yun kasi nagustuhan daw ng mga boss yung gawa niya. ayaw ko nang magaksaya ng oras kaya inaya ko siya para mag kape sa baba. "may kape naman sa vendo dito ah?" sabi niya. "mas ok yung kape sa baba, dun na lang" ang sabi ko. sa totoo, di naman talaga ako mahilig sa kape. ginamit ko lang yong dahilan para magkausap kami ng mas matagal. 

1:45am
ayaw pa sana niya sumama pero nakuha naman sa pilitan. sabi ko kasi may ichi- chika ako sa kanya. sa baba, habang hinihigop ang hot milo, nagsimula na siyang magkwento. madami. di ko na matandaan yung iba. pero tungkol pa din sa inedit niyang programa. nang maubos si hot milo, naubos na din ang dahilan para samahan niya ako kaya ako na nag- ayang umalis. pero di pako tapos. may sasabihin pa ako.

2:00am
"so ano nga yung ichi-chika mo?" tanong niya. "kilala ko kung sino may crush sayo..." ang sabi ko. nakuha ko ang atensyon niya dahil pilit niya akong kinukulit na sabihin kung sino. sa huli sinabi ko na ako yon pero akala na gini- GG ko lang siya. palabas na siya ng building nang tinawag ko siya pabalik at inayang magusap ulit. sumama naman siya.

2:15am
sinabi ko lahat ng gusto ko sabihin. tinanggap niya iyon pero aniya, hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya. pwede pa nga daw maging best of friends kami pero hanggang dun lang. "lalaki ako, kaya ang hanap ko babae... tapos, may misis pa ako", dagdag niya. "eh hindi ko naman balak makipag kumpitensya sa misis mo. iba ako, iba siya", sagot ko sa kanya. natapos ang paguusap namin ng maayos. nabigyan ng sagot ang mga tanong. natuwa ako kasi walang luha na bumagsak habang sinasabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin. sabi niya wag ko na daw alalahanin yon at ok pa rin kami, walang magbabago. sana nga. hindi ko alam kung paano kami sa mga susunod na araw. kaya ko naman siguro magkunyaring walang ganun engkwentro na nangyari sa amin. ewan ko lang sa parte niya.

3:00am
nilakad ko mula opisina hanggang sa sakayan ng bus. weird pero wala ako masakyan pauwi dahil ultimo non-aircon bus ay puno. parang walang gusto magsakay sa akin. napa- taxi tuloy ako. sabay sa pagsara ng pintuan, bumagsak ang luha ko.