3

Sunday, March 7, 2010

Ang pagkamahilig ko sa tv at pelikula ay nagsimula noong 3 years old ako. Yun yung panahon na adik sila ate na manood ng thats entertainment, manilyn live, young love sweet love, vilma at kung anu ano pang pinoy variety shows sa tv. Dahil sa kanila, naging certified SHARONIAN ako, at nakikitili sa tuwing makikita ko siya sa TV. At tulad ng ibang bata na nagaambisyon maging artista, aba nag- practice din ako umiyak at mag emote sa harap ng salamin. High school ako nun ng una kong sinubukan mag- audition para sa ANG TV. Sa DELTA Theatre pa yun. Sa awa ng Diyos, di ako nakuha. Pero ok lang kasi, ramdam ko, hanggang kalooblooban ko, na isang araw, magiging empleyado din ako ng ABS-CBN. Ilang live shows din ang napanood ko sa kanila hanggang sa napag- desisyunan ko na MASSCOM ang kursong kukunin ko sa college.


FAST FORWARD. Naging intern ako sa MYX. Isa yun sa mga pinaka- masayang pangyayari sa buhay ko. Pero sabi nga ni Barbara Streisand, some good things never lasts. Na- shonggal ako. Na- tegi. Na- there-u-have-it ang beauty ko dahil sa lumabas ang pagiging amazona ko at walang habas na nakipag suntukan sa kapwa ko rin amazona. Parang 2012 ang sumunod na eksena dahil gumuho lahat ng mga pangarap ko na maging parte ng kumpanyang matagal ko nang pinagpantasyahan. Nagsara man ang pintuan ng MYX, bumukas naman ang bintana ng ABS-CBN Foundation kung kaya natuloy pa rin ang internship ko through SINESKWELA. Naka- graduate ako from college, nakahanap ng trabaho sa call center, ngunit dahil sa puno ng ka- showbizan ang katawan ko ay nilayasan ko din ito after 2 years. Nagbakasakali akong mag- TV ulit. Sa MYX. Sa tulong na din ng mga marse, nabigyang katuparan ulit ang mga pangarap ko. Pero bilang marupok, akoy nag goodbye matapos ang isang buwan dahil na rin sa pressure dulot ng isang diva na nagngangalang GIANNET. Right love at a wrong time ang bulong sakin ni Barry Manilow. So off I go at bumagsak ulit bilang tagasagot ng telepono.

STRIKE 2. Matapos ang isang taon ng pagiging call girl, napag desisyunan ko na its time. Its time na magpaka- showbiz ulit. January 2007. Balik MYX ang drama ko. But this time, hindi naging madali ang mga pangyayari. Umabot pa sa puntong gusto ko na namang mag- alsa balutan. Salamat sa pagiging angkla ni Miss Tisay, nakayanan kong manatili ng isang taon. January 2008 ng mag- goodbye ako for the second time. Sumabak mangibambansa. Nakipaglandian at na- appreciate ang pagiging EXOTIC at bumalik ng Pilipinas, anim na buwan matapos kong lisanin ang music channel na labis kong minahal. Nagbakasakali ulit ako kung meron pang lugar ang isang malungkuting beki tulad ko. Meron pa naman. Kaya laking tuwa ko na maka- trabaho ulit ang pinaka masaya at the best grupo in the universe! There've been ups and downs, pero lahat yun ay parte ng mga bagay bagay na kailan man ay di ko matututunan sa ibang trabaho.

STRIKE 3. January 2010. Its that time of the year once again. Di ko alam kung naging panata ko na ang mag- resign sa panahong ito. Pero for a change, ginawa kong 3 months delayed before I finally said BABOOSHKA. Masayang hindi ang desisyong ginawa ko. Masaya kasi finally magkaka social life na ulit ako. Masaya kasi mabibigyang buhay ko na ulit ang blog ko. Pero parang hindi, kasi maiiwan ko yung mga taong nakasama ko ng mas mahabang oras kaysa sa sarili kong pamilya. Mga taong naka- witness ng mga kapalpakan, mga taong minahal, pinakisamahan, iniyakan noong mga gaga days, mga marce, the fagots, the divas, lahat ng nagkaroon ng puwang sa malasaging kong puso. Walang halong eklat. Mami- miss ko silang lahat. Kaya sa aking muling paglipad, hinding hindi ko kalilimutan lahat ng pinagdaanan ko sa istasyong paulit ulit kong minahal.

1 ang tumiktak:

Anonymous said...

"lalaki ako, kaya ang hanap ko babae... tapos, may misis pa ako"