kamote

Saturday, December 27, 2008

in love ka. pero yung taong kinai- inlove- an mo di ka naman sure kung in love din sayo. ang kamote naman nun. one way love, dapat nga bang patusin? lampas isang buwan ko na ding kinikimkim ang feeling na yan sa taong di ko sigurado kung bet din ako. gaya ng mga napagdaanan ko noon, heto't hilong talilong na naman ako at bising bisi lumablayp. marami na sa mga kaibigan ko ang bumasag sa trip kong 'to. na kesyo wag na umasa kasi wala din naman kahihinatnat ang kembot ko. oh well papel, bahala na si batman, pati na si robin at krystala.

basta in love ako, mga shet!

Hep hep... hurray!

Saturday, October 25, 2008

Matapos ang halos 2 buwan na pagikot ng tumbong ko sa trabaho, maligalig na naman ako dahil nabisita kong muli ang aking mumunting blog. Matagal tagal ko ding 'di nadatnan ang espasyong ito at kung baga sa buwanang dalaw, ninenerbyos na ako dahil 2 months na akong delayed. O diba maisingit lang.

Anyway, panahon na naman ng takutan at kababalaghan. Aminado ako na bukod sa pagiging baklita, isa din akong dakilang matatakutin sa mga kwentong multo na yan. Potek! Ilang beses na din akong nakaranas na mahirapang makatulog sa gabi dahil ayaw ako tigilan ng mga tiyanak at white lady sa isip ko. Takot din ako sa dilim. Pero sa aking pagtanda, napagtanto ko na may mabuti ding dulot ang dilim sa buhay mga buhay natin. Una, mahirap makatulog nang bukas ang ilaw. Pangalawa, mas preferred ko ang lights off kesa on dahil bongga ang dramang kapaan sa dilim (aminin mo marce, mas may thrill kapag di mo nakikita ang kinakapa mo diba?...hihihi). At pangatlo, sa tindi ng krisis na dinadanas natin ngayon, mas mabuti na ang nagtitipid ng bayarin sa kuryente.

Eh ano bang punto ng blog entry kong ito? Simple lang. Wala. As in wala lang. Yaman din lang at ang lahat ay kinakarir ang halloween, eh di jujoin na din ako! Chekah!

Dinadaan ko na lang sa pag chorva ng walang kwentang post ang pagkayamot ko dahil up until now wala pa (ulit) akong natitisod maging jowa. Nakanang!


Roll the red Carpet... Chekah!!!

Monday, September 15, 2008

Ako'y nagbabalik, sabik na sabik! Yes mga marce, finally ay nagkameron din ako ng chance makapagtanggal ng mga agiw at kung anik anik pang kembot sa aking muntik-nang-maging-obsolete na blog. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay tinalo ko pa si jollibee sa pagiging busy bee dahil sa dami ng aking ginawa. Bukod pa diyan ay may mga gusot din akong pinagdaanan partikular na sa aking trabaho bilang tagasagot ng telepono. Pero ok na ako ngayon, dahil isa na lang ang aking pinagkakaabalahan at iyon ay ang mambakla ng mga sinusulat kong scripts sa MYX...chekah!

Sinamantala ko na din ang pagkakataon na kumembot ng bonggang bongga bago matulog dahil ramdam ko na matatagalan bago ulit ako makapag- post dito sa aking mumunting blogey. May Vj Search kasi kaming pinagkaka- abalahan sa ngayon kung kaya hilong talilong na naman ako, sampu ng aking mga ka-chorvahan, sa mga susunod na araw. Pero 'di ako nagrereklamo dahil aylayket so much! Magpapasalamat din ako sa mga taong walang sawang tumutunghay sa aking blog, kahit pa kasing lev
el na lang nito ang barker channel ng skycable dahil sa mga same old posts ko. Maraming salamat talaga mga marce :) Yaman din lang at naispluk ko na sa inyo yung tungkol sa MYX Vj search na yan, pwede niyo rin bisitihin ang site na ito nang makilatis niyo ang aming 12 finalists.

Zsa zsa, ipipikit ko muna saglit ang mga mapupungay ko nang mata at hahanashin ko na lang kayo sa mga susunod na araw. Baboosh!

Wag mo kong ma- teri teri!

Saturday, August 23, 2008

Share ko lang ang isang nakakaimbey na eksena between me and the nagmamaasim na bilatsina sa LRT. 'Wag naman sana ma- offend ang ilang pechay na nagbabasa ng mumunti kong blog dahil may mangilan-ngilan na sinasamantala ang kanilang pagkababae sa mga pampublikong sasakyan. Pauwi ako sakay ng malungkuting LRT. Tanghaling tapat noon at lapot ang lahat sa init dulot ni tita sundra. Pagdating na pagdating ng tren ay nagmamadali akong maka-plastar dahil malayo- layo din naman ang bababaan ko. Heto ka marce, dahil pag upo ko ay bigla na lang may umalingawngaw na boses sabay upsound ng "ang gentleman naman!". Siya pala ang amasonang nakipag- balyahan sakin pagpasok ng tren! 'Day, nagpanting talaga ang tenga ko kaya naman wala na akong segundong sinayang at kumawnter atak na ang beauty ko sabay ispluk ng "sa laki mong yan teh, hindi ka din magkakasya sa inuupuan ko. Jubisera!". Na- shock boogie ang hitad sa hanash ketch kaya um-exit frame na lang siya. Natawa naman si manong konstru sa engkwentro ko sa kambal ni Vangie Labalan. Kung inaakala siguro niya na magi- guilty ako, yan ay isang malaking NO! Para que pang may sariling coach ang mga babaeng pasahero kung isisiksik din niya ang sarili niya sa lugar ng mga mhin and not so mhin, diba? At nakuha pang mangonsyensya ng hitad na may magpapaupo sa kanya. The nerd huh! Naku! sa mga ganyang moments, 'wag mo kong ma- teri teri!

VJ me, VJ you

Wednesday, August 20, 2008


Lumarga na last saturday and sunday ang auditions for the next MYX Vj. Impernes marce, kebs ang mga utaw umulan man o umaraw, makasalang lang at maipakita sa mga hinampalan ang kanilang angking talento sa pagbi- VJ. Kaya kung ikaw ay 18 to 25 years old, at pakiwari mo ay nakaguhit sa iyong banayad sa perlang kamay ang maging susunod na mukha sa MYX, wag ka nang magpatumpik tumpik pa at umeksena na sa Studio 12 ng ABS-CBN ngayong August 24, 30 at 31 from 10am til 5pm. Equal opportunity ang drama namin kaya welcome ang lahat para subukan ang kanilang kapalaran, mapa otoks, bilatsi, tivoli o beki ka pa. Wag lang kalimutang magdala ng 3R picture, birth certificate, resume lalong lalo na ang 2 valid id's ng di ka ma-balaj ng mga echoserong gardo sa may audience entrance. Tandaan na ito ay isang vj search kaya't talasan na ang iyong kaalaman sa mga music videos/artist at mag practice na ng iyong vj-ing skills sa harap ng salamin. Ikembot mo na ng bonggang bongga ang iyong pangarap na sumikat kaya join ka na friend!

Random Thoughts ni Sonya Sonya

Tuesday, August 19, 2008

Na- sitabels ko ang post na ito kay prinsesa (salamat bek). Imaginin nyo na lang na ganito ang flow of questionaires sa aking press conference. Chekah!


1. Four places I go to, over and over:

* Sa lavatory kung may lavatory, kung wala naman ay kahit san na lang...
* Studio 12, so I could bitch around with my fellow bitches
* opisina, dahil narito ang aking kabuhayan showcase
* Balor/Malabern- because home is where my heart is... Chekah!

2. Four people who e-mail me regularly:

* Jawo & Sweet- ang magjowang di makuhang jumerjer kaya puro pag forward ng emails na lang ang inaatupag sa opis...hihihi
* Friendster/Facebook- walang puknat na invitations, friend requests...hele, hele, hele!
* mga job alerts kung saan saan...
* si Mica Enriquez at ang kanyang escapade bilang flight attendant

3. Four of my favorite places to eat:

* Fun Place... hahahah!!!
* Jollibee dahil pinoy ako
* Ai-Sarap! dahil bet ko ang tapsilog nila dito, pati na ang nagse serve...hihihi
* Master Siomai- may kakaibang linamnam kasi ang siomai nila. Try nyo minsan

4. Four places i’d rather be:

* Bacolod- maraming pwedeng boyletin na Champion at Pancit Canton lang ang kapalit...hahahaha!!!
* sa party ni Bambi... para I can leave anytime I want. Late entrance, early exit. Yan ang dramatic!
* USA... dahil alam kong mabenta sa kanila ang exotic
* one- seven... bonggang version ng fun place sa singapore na di ko napuntahan, hmpf! hindi uso ang hipon kaya lahat panalo!

5. Four TV shows I could watch over and over:

* Sa Piling Mo- dahil lab ko ang tandem ni juday & piolo. (mababaog ang magsasabing Jologs!)
* you know you love me... xoxo, Gossip Girl
* The Soup- dahil halos mag- lock jaw ako sa kakatawa kay Joel McHale
* Will & Grace dahil ang galing ng story, pati na ng casts esp. Megan Mullaly

6. Four people I think will respond:
* twinkle
* miss jill
* chyng
* thana

Malaya kang i-post sa blog mo ang mga katanungan sa itaas. Basta siguraduhin mo lang na burahin ang aking sagot para ma- enjoy mo din ang presscon ek ek questions na yan. O Zsa Zsa, kung yan ang pasya, gow na!

Masustansyang Post

Monday, August 18, 2008

Bata pa lang ay hindi ko na talaga na- typan ang lasa ng gulay. May kung anong kilabot ang napi- feel ko sa mga luntiang dahon na yan tulad ng kangkong at talbos, lalong lalo na ang pechay! Exception pa din ang talong siyempre, at alam mo kung bakit. Chekah!

Di man ako nahilig sa gulay, bumabawi naman ako sa pag- laps ng fruits. Bet ko ang mangga, mansanas, ubas, melon, orange at syempre pa, ang saging. Dun ko na lang hinuhugot a
ng sustansyang dapat sana ay nakukuha ko sa gulay. Sinubukan ko ngang linlangin ang aking sarili sa pagaakalang magiging makulay din ang buhay ko pag ginamitan ni mudra ng meaty panggisa mix ang lintek na ampalaya ngunit di siya nagwagi. Hindi daw nagsisinungaling ang mga bata, pero sa pagkakataong ito ay naisahan ako ng barkada ni Sharlene San Pedro na sumasayaw sa tv commercial habang masaya at kunyaring sarap na sarap ngumuya ng ginisang gulay. Che! Mga Gigi!

Bueno, yaman din lang at napaguusapan ang mga gulay at prutas na yan, napa tambling talaga ako sa kakatawa ng ma- caughted kong sum
u song and dance number ang isang bagong all girl group sa tv noong sabado ng gabi sa saliw ng awiting One Night Only. Aliw silang panoorin kase parang intermission lang sa Recognition Day ang drama nila. Kung ang amerika ay may PCD, ang pilipinas ay meron namang PJF o Philippine Juicy Fruits! Binubuo ito nina Makopa, Kaymito, Mangga at Langka. Hindi naka- join sina Aratiles, Rambutan at Papaya sa listahan dahil hindi pa sila napipitas ayon sa kanilang manager na si Miss Bella Dimayuga, na siya ring nagpasikat sa Bellestar Dancers na kumembot ng bonggang bongga sa GMA Supershow ni kuya germs noon.
















Akala ko isa lang itong promo ng Wrigleys kung kaya nagkaroon ng PJF. Aking napag-alaman na hindi sila kunektado sa kumpanya so inassume ko na lang na sila ang susunod na tropical offering ng Big Chill o di naman kaya ng Zagu. Kaya ngayon pa lang ay dapat kabahan na ang Baywalk Bodies pati na ang Sexbomb, dahil for sure ay kakain sila ng alikabok sa mga babaeng ito. Abangan ang pagsasahimpapawid ng kanilang debut single na Shake it to me Baby sa radyo, pati na ang kanilang mall at palengke tours nationwide, dahil balita ko ay mamimigay daw sila ng mga fruit baskets na may kasamang cd-lite nila. Talbog!





Always, Snooky

Nagbabalik, sabik na sabik ang inyong lingkod dahil sa ilang araw na hindi ako nakapag post sa aking mumunting blog. Naging busy kasi ako sa pag kembot ng mga anik anik sa karir at career ko kung kaya't pag uwi ko ng balor ay plakda na lang sa kama ang drama ko. Juiceko! Ang hirap talaga humanap ng kaperahan nowadays kaya please lang madam, wiz ko type sumayaw lalo na ng CHACHA! Pero kung hindi man ako magaling sumayaw, aba may ibubuga naman ang bekbek sa pagkanta. Gamit ang naiibang mikropono. Chekah!

Napaguusapan na rin naman ang pagkanta, may isa akong video link na ishe share tungkol sa isang show na sigurado akong di mo maaalala kesehoda pang umere ito noong mga panahong uso ang shoulder pads, aquanet at nahuhumaling ang mga ate mo kina Lilet at Keno pati na kay Benedict Aquino. Isang araw nang ako ay lungkut- lungkutan, naghanap ako ng video na magaaliw sa akin sa youtube at sumagi sa isip ko, for some weird reason, si Snooky Serna. In the tradition of Superstar, Maricel Live, Loveliness, Lotlot and Friends, Manilyn, Sharon (yung old format) at Vilma, akalain mong may sumugal din kay Cookie para mabigyan ang hitad ng sarili niyang variety show. Tell Me kung binigyan niya ng hustisya ang kantang pinasikat nina Joey Albert at Side A...






Hay, nothing beats the 80s talaga!

Ambastush!

Sunday, August 10, 2008

Naka chikahan ko the other night sa Skype ang aking kaibigang si Manay Reyms na mula sa mapagpunyaging bansa ni tita Merli. Isa siya sa nakilala ko noong ako ay naging pangahas sa paghahanap ng maki- kembot sa lupain nila, dalawang buwan ang nakalipas. Na- meet ko ang hitad dahil sa isang social networking site na patok sa mga bekbek. At dahil sa tansuan ang drama ng mga utaw duon, pareho kaming nagpumanggap. In short, nagpa- mhin kaming pareho na sa kalaunan ay di rin umipek dahil napagtanto namin na pareho kami ng hilig, at iyon ay ang pangungulot with matching Pagoda Cold Wave lotion on the side. Pero eto ka marce, nang mapagkasunduan naming magkita sa unang pagkakataon, hindi ko maikukubli ang aking kutob na si Manay Reyms ay isa ring ganap na sirena.

Kumota. Marami kaming naging bonding moments ng bruhang iyan. Isa na ang pagiging tourist guide niya sa akin nang dalhin niya ako sa version nila ng "Fun Place" na talaga namang bentang benta dahil doon ko naranasan kung paano ang maging isang exotic. 'Day, Im telling you, feeling DYOSA ako dahil umipek ang dramang kiput-kiputan sa mga otoks ng "Fun Place: The Tita Merlie Edition" sa mala- magnet kong karisma. Kukota ka talaga sa mga bongga at mapagpunyaging boyletz kaya di mo mamasamain maging exotic. Promise! Siya din ang sumalo sa naghihingalo kong pitaka ng kamuntik na akong mamalimos para ipambayad sa kwartong akin sanangg rerentahan. Sa maikling panahon na kami ay nagka chika, walang pagiimbot ang veykla na maglabas ng kaunting halaga at tumulong sa isang nilalang na kakulay lang ng dugo pero di kalahi. Totoo nga ang chika ng ilan na mas makakatagpo ka ng tunay na kaibigan sa isang foreigner kaysa sa kapwa mo Pilipino kapag nasa ibang bansa ka.

Bahasa Chuva. At dahil hindi nalalayo ang kulturang Pinoy sa mga Malay ng Singapura, may mga gawi, asal, at maging mga salita sila na halos katulad ng sa ating mga Pilipino. Kung babalikan mo ang naging huntahan ng iyong maestra sa Sibika at Kultura, tayong mga Pilipino ay nagmula sa lahing Malay. Kaakibat ng lahing iyan ay ang uri ng pamumuhay at sistema ng gobyerno kung saan nagmula ang balangay na kalaunan ay naging baranggay. Kaya nang magchikahan kami ni Manay ay contodo ispluk siya sa kanyang salita na kung pakikinggan mo ay parang tagalog lang pero di mo maintindihan. Kagulat gulat pero ang bekbek, mahilig palang manood ng mga pelikulang pinoy lalu pa't kung ito'y tungkol sa kabeklaan. Hay naku, bet na bet ng hitad yang si Polo Ravales dahil napanood niya ang Manay Po at nag- water ang bruha sa kissing scene nila ni Luis Alandy. Kaya kahit paano ay may alam siyang konting tagalog words, aside duon sa mga salitang kaparehas ng sa salita niya tulad ng selamat, lelaki at kung anik anik pa. Di nakuntento ang bakla at gusto pang magpaturo ng mga mapangahas na salitang tagalog. Bilang isang ganap na "Pilya't Modern" ay ibinaybay ko sa kanya ng bonggang bongga ang mga salitang tulad ng Titi, Bayag, Bulbol at Keps na siya namang ikinasaya niya. Maligalig ang hitad at tinanong sa aking kung ano sa tagalog ang salitang sex. Hindi siya matigil sa kakatawa nang sabihin ko sa kanya ang kahulugan nun sa tagalog dahil ang salitang Kantot pala sa Malay ay utot. Kaya hayun, wala siyang tigil sa kakasabi ng kantot sa Burger King na nagdulot naman ng kahihiyan sa akin dahil baka may pinoy na makarinig ng ispluk ng bakla. Hay, those were the days Manay. Having said that, namimiss ko na talaga ang hitad at looking forward akong latagan siya ng red carpet sa kanyang pagbisita sa akin ngayong darating na Nobyembre, kung suswertihin ang bruha na makapag leave sa trabaho. For sure, mae enjoy ng lola mo ang mga veklas ng kagubatang ng kamaynilaan. Chekah!

Gusto mo ba?


Isisingit ko na din ang pag anyaya sa inyong lahat. Meron kasing taping ang programa ni Mr. Boy Abunda para sa Cinema One. Inside the Cinema ang title ng show at magiging panauhin niya ang nagiisang Comedy King na si Mang Dolphy. Paguusapan sa naturang programa ang mga napagdaanang hirap ni Mang Dolphy sa kanyang karera bago niya narating ang tagumpay bilang isang magaling na aktor. Chance mo na rin itong ma- explore ang makulay na munda ng TV production. Kaya kung isa kang Film o BroadComm student, Pinoy Movie enthusiast, o sadyang ma- showbiz ka lang talaga, ju- moin ka na sa Friday, August 15, 5 ng hapon sa Audience Entrance ng ABS-CBN. Libre 'to friend kaya 'wag ka nang magpatumpik tumpik pa at isama na ang buong tropa!

Kung meron kang iba pang detalyeng dapat malaman, i- text mo lang ako sa aking ketay: 09174071814 at magre reply ako sa'yo ng bonggang bongga! At tulad ng mga chain messages, pwede mo ring ichismis ang chikang ito sa mga iba mo pang mga kakilala para mas masaya. Salamat sa pagtunghay sa mumunting espasyo ng aking blog at sana ay magkita kita tayo dun hokey? :)

Usapang Raket

Kakauwi ko lang ng balay at pagsusulat agad ng post ang inatupag ko. Galing kasi ako sa isang raket na sa kasamaang palad ay sa lunes ko pa mapagpapasasaan ang katas ng tagumpay dahil hindi umapir si Manay Leila sa G3 para i- gibsung ang aking TF! Buti na lang at hindi ko naisip na pumunta ng event na yan bitbit ang oner jeep ni Pudang dahil kung nagkataon ay wala akong pang gasolina pauwi, nagtulak pa ako ng sasakyan mula Makati hanggang Malabon. Thanks God talaga!

Hay Naku. Sa panahong nagtaas na lahat ng presyo ng bilihin, tanging ang presidente na lang ang hindi. Idagdag mo pa ang inispluk ng hitad na 50c na lang daw ang bawat text pero mamukat mukat mo friend, isa lang pala itong GG! Asang asa pa naman ako sa balitang eklat na yan, yun pala promo lang. Hmpf! Buti na lang at may manaka- nakang raket na dumating at kahit papaano may nakekembot ang pamilya sa hapag-kainan. Actually marce, perstaym ko rumaket sa isang event at nag enjoy naman ako. Take note sa "naman" dahil hindi ko pa nga napapasakamay ang datung at sa lunes pa ang takdang araw. Isa itong Voicer stint na kung saan ay tinalo ko pa ang voice prompt ng Globe sa kakaulit ng sinasabi kapag matagal kang naghihintay na may sumagot ng iyong tawag. May pauso kasing Wii Pingpong Tournament ang Bubba Gump at over the weekend ay may eklat silang Wii game sa kanilang mga resto sa G3 at Trinoma. Hulas at lapot ang inabot ko 'day dahil sa labas ng kainan ang lintek na pingpungan na yan! Buti na lang at may mga pampalubag loob na mga cutie boyletz na rumarampa sa area na yon kaya kahit pano ay naibsan ang hulas moments ko. Salamat din sa tita luz powder at di niya ako hinayaang maging oilyness all through out...hihihi. Kinarir ko talaga ang 2-day raket na yan kahit pa malapit nang bumigay ang mga litid ko sa leeg. Mahirap ang mag voice over ng live. May moments na nagiging fingfong ang pingpong at ang Tournament ay nagiging tornamint. Taenang mic yan may ground pa! Kaya matapos ang event, habang ako'y prenteng nakaupo sa bus pauwi, naisip kong ganun pala talaga kahirap kumita ng datung sa mga panahon ngayon. Na kahit ngarag, hulas, lapot at kuryente ang abutin mo ay keri lang dahil katumbas naman nun ay salaping pambili ng bigas at kornbip.

Kaya sa lahat ng nakakabasa ng post kong ito, kung may kakilala kayong naghahanap ng Voice Over talent, naku paki bida na lang ang pangalan ko at siguradong todo performance level ang atake ko. Chekah!

R-18

Thursday, August 7, 2008

Sa panahon ngayon, wala nang imposible pagdating sa pakikipag komunikasyon. Pwede kang chumika sa mga kaututang dila mo gamit ang iyong ketay(cellphone), o di naman kaya ay makipag bolahan sa ka- chat mo sa innernet. Kasabay ng mga ka- ekekan ng mga teknolohiya na yan, nag evolve na din ang panonood mo ng bold (oh diba ang 80s ng term na ginamit ko?). Gone are the days na, noong mga panahong nasa highschool ka, ay magaaya kayo ng mga kaklaseng lalake na magpunta sa balay at pagpyestahan ang mga vhs tapes na koleksyones ng tatay mo. Bakit mo nga naman gagawin pa ang ganon ngayon kung meron ka namang koleksyon ng scandals sa cellphone mo diba?

Blututan tayo. Nagkalat ang mga scandals na yan di lang sa cellphone kundi pati na sa innernet. Hindi naman ako santa para sabihing immoral ang mga
ganyang gawain dahil kanya kanyang trip yan. May mga taong nag eenjoy magbida at meron namang nag eenjoy na manood lang. 'Day, marami nang relasyon, pangalan at buhay ang nasira dahil sa mga ganyang eskandalo. Siguro dahil na din sa ambisyon ng ilan na sumikat kaya pati pagbuyangyang at pagtihaya sa cellphone camera ay pinatos na nila. Instant celebrity status nga naman. Ano pang silbi ng bahay ni kuya kung pwede mo naman kunan ng camera ang sarili mo 24/7? Para sa kaalaman mo friend, marami rami na din namang scandals ang dumaan at napanood ko sa aking ketay. May ilan na mabibigyan mo ng ASAP applause (palakpak sa ibabaw ng ulo), meron namang di mo masikmura dahil ka- gaganda't gugwapo ng mga bida at merong kaiinisan mo dahil parang brown out nung nagsu shooting sila. Naku, isisi mo yan kay ateng Ferdi dahil umaapaw ang mga kolekyson niya sa kanyang telepono at magiliw naman siyang makipag- blututan sa mga bekbek...hihihi.

Scandal Nga. A week ago, naka- pindutang keyboard ko ang isa sa aking mga friendly friends. Di maubos ang kamustahan at chikahan namin hanggang sa humirit ang vekla na:"Beyk, may gift akes sayo...hihihi", sabay pop ng prompt na nagtatanong kung accept o deny incoming file. Bilang isang malungkuting nilalang na mahilig sa gift(oh syet, sige pati na sa scandal...hihihi!) kinlik ko ang accept. Zip file ito kaya makakaasa kang nakasiksik sa folder ang nilalaman niya. At naku! tumambad sa akin ang peyslalu ng ohm na looks family! "Oo siya yan"... ang sabi ng bekbek. Napa tambling na lang ako. Koleksyones yon ng mga nude pics ng aming dating ka- opisinang boylet(na soon ay magiging ka- opisina ko ulet) na nagpa pictorial sa office premises nang walang ibang saplot kundi medyas na greyish-black lang. Take note, hindi siya in-ATIVAN GANG para mag pose ng nude dahil wiling- wili ang hitad sa mga shots niya. Di ko ma- imagine na yun pala ang mga makikita sa ilalim ng kanyang magagarang damit. Infernez may maipagmamalaki naman ang mokong. Dala daw ng kaengotan kung bakit napasakamay ng aking friendly friend ang mga file na iyon. Sukat ba naman kasing i-save ang mga pekchors sa SHARED DRIVE ng office network! Para kang umalis ng bahay, kinandado ang pinto, pero iniwan ang susi sa door mat! Naku naturingan pa namang tech support noon. Nagtataka lang ako dahil wala sa karakter ng taong yon ang gumawa ng ganung klaseng bagay. Habang sinusulat ko ang blogpost na ito ay tumutugtog ang kanta ni Keane na Everybody Changes sa aking iTunes. This time, si Keane na ang sumagot ng tanong ko. O diba pati si Keane umeksena sa post ko?

Pumers Dey

Monday, August 4, 2008

Isang maulang pers day ang nag hello sa akin habang papasok ng opisina kaninang umaga. Sa mga ganitong panahon pa naman masarap makipag- lampungan sa kumot at unan pero no choice ang bekbek kundi gumayak
at magmadaling makauna sa pagsakay ng lrt. Natapos na din sa wakas ang aking pagganap bilang prinsesa ng bumyera at ngayo'y sasabak sa unang araw ng paghasa sa aking talento sa pambobola at pang e-eklat (na din) sa mga puti. Matiwasa'y naman akong nakarating ng Insular Life building minus the tilamsik putik ay heytet! Siguro naawa si Ama sa pinlantsang pantalon at polo shirt ni mudang kaya pansamantalang pinatila muna Niya ang pagweewee. Sayang nga naman daw kasi kung magkakaroon ng connect the dots effect ang outfit ko diba?

Welcome Newbies. Kung baga sa pelikula't teleserye, nagkaroon ng flashback in sephia ang inyong lingkod pagkatapak na pagkatapak ko sa training room sabay upsound ng scoring na Parang Kailan Lang (na Handog pala ang tunay na title nang i-dobol check ko ng bonggang bongga sa google). In the mood na akong sumipsip ng welcome drink pero di naman pala uso yon sa training. Bagkus, isang stainless mug ang dinistribute sa amin para paglagyan ng libreng kape sa pantry. Yon naman pala. Kapeh! Dahil karamihan sa aking mga wavemates ay gumradweyt ng kursong nursing, at ang ilan sa kanila ay board passers din, kampante ang beauty ko na atakihin man ako ng sobrang nerbyos dahil sa kakalaklak ng kape, assured ako na mag sasagip ng buhay ko. Sure din ako marce na manilaw at mamantsahan man ang ipin ko dahil sa kape, may dentistang willing magbigay ng discount para sa cleaning ekek ko... diba daddy arnel?(hihihi). Nagkaroon ng konting activities like getting to know you na hudyat para simulan na ang bolahan session. At siyempre pa, mawawala ba naman ang Q&A portion with the HR person in charge tungkol sa sahod, benefits at kung anik anik pa na hindi naman dinetalye during the actual contract signing. Naging masaya ang unang parte nang araw ko sa training dahil nakakilala ako ng mga bagong ka- chikahan sa buhay. Pati na nang mga bagong buboyletin. Chekah!

Kinati lang. Matapos ang unang araw ng trabaho, kinati ako na manood ng sine sa galleria. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit dun ko pa napiling manonood samantalang andyan naman si ateng gloryey. Siyempre ako na naman ang sumagot ng sarili kong tanong. Nagbabakasakali kasi akong showing pa ang Serbis but to my dismay, natapos na pala ang pagpapalabas nito. Pero teka, ano 'tong Kalakal na 'to? Hmmm... Beejay Morales? Sa pangalan pa lang ng bidang aktor mukang nahuli ko na kung tungkol saan ang pelikulang ito(Beejay ba kamo? Etchos!). Umiral na naman ang pagka plastikada con todo ko dahil imbes na yun ang bilhin kong tiket ay napa "A Very Special Love" ako sa tiketera. In fairview, bawas guilty conscience din yun sa parte ko dahil at least wholesome movie ang pinanood ko. Pero promise friend, hindi ko palalampasin yang Beejay Morales na yan next time...hihihi! Naaliw naman ako sa movie ni John Lloyd at Sarah at agree ako na revelation nga si SG sa pelikulang ito. As I would quote Luis Manzano, si Sarah ay may natural kuletness na mailalabas at kitang kita yon sa pelikula. Yun nga lang, same old formula pero kilig at mabenta pa din. Take note, unang araw ng linggo at bumabagyo pa pero kahit papaano ay hindi kami aalog- alog sa sinehan. Imbes magpakabasa habang naghihintay ng bus pauwi ay nanood at nagpalamig na lang sa sinehan ang mga utaw. Impernes!


Let's get Physical, physical!!!

Saturday, August 2, 2008


Matapos ang 2 buwang pagka- tengga mula nang lisanin ko ang ubod ng linis at mapayapang bansa ni tita merli, heto't sasabak na naman akong mang-hanash at mang- Gigi ng mga onaks. Yes, balik callzenner (kailangang bigyang emphasis ang tunog ngongo sa pagbigkas ng salitang yan! Chekah!) na naman ang eksena ko pero part time lang. At na- swertihan ding makabalik sa dating kumpanya na aking nakembutan ng bonggang bongga ng mahigit isang taon dahil naging mabuting empleyada naman ako sa kanila. Medyo alangan ako noong una na balikan ang industriyang yan. Pero marce, sa hirap ng panahon ngayon, di na uubra ang pagiging choosy. Kung saan may pera, gow! Yaman din lamang at hindi siya kakain ng malaking oras dahil nga part time, dagdagan mo pa ang bonggang morning shift, aba panic buying na 'to friend! Sa awa naman ni Ama ay naipasa ko with flying colors ang mga exams nila. Akala ko yun na yon at pagkatapos ay autograph signing na ang magaganap pero no! Dahil required pa pala ang PHYSICAL EXAMINATION.
Oh No. Sa halos limang taon kong pagiging working gurl, isang beses ko pa lang napagdaanan yan physical examination na yan. Hay naku friend, di ko talaga gusto ang eksenang drop and scoop para sa lintek na stool sample! Ewwnesss! Buti na lang hindi na siya required sa pagkakataong ito dahil dugo't ihi lang ang hinuthot ng nurse in charge sa akin. Don't get me wrong marce, pero alam kong self explainatory na ang physical exam. Noong unang sabak ko kasi diyan, pinaghubad din naman ako, pero yun ay para sa x-ray ekek at breathe in breathe out exercises lamang. Tila yata pilya't modern na ang mga duktor ngayon. Parang gusto ko na lang mag cartwheel and eggroll combo sa mga susunod na eksena.

Huwag po, huwag po. Matapos idutdot ni doktora ang kanyang istetoskowp sa dibdib at likodan ko, akala ko ay tapos na. "But wait! Theres more!" ang hirit niya sa akin. "Paki tanggal na po ang pantalon at brip" chika ni doktora. Kung dejavu man ito, parang may mali. May ilang beses na din kasi akong nagka meron ng moments na nagtanggal ng pantalon at brip sa loob ng cubicle. Ang pinagkaiba lang, hindi ganun kaliwanag ang cubicle at ohm ang nag request nun sa akin. So mali nga ang dejavu na inakala ko. Eto naman kasi si doktora, kiput- kiputan ang tono ng hitad sa pag request. Wala man lang sense of authority.
Nakaramdam siguro siya na medyo bet ko nang mag- apir disapir that monument. Kaya nag suggest siya na si doctor ohm na lang ang papalit sa kanya para mawala na ang ilang factor ko. Bago pa ako pumasok ng kanyang cubicle ay na- sitabels ko na si dok ohm at 'day nakakatunaw siyang tunay ng panty liners! Imaginin mo na lang si Jake Cuenca na nakasuot ng unipormeng puti na tulad sa duktor, ayus na ang agahan, tanghalian, hapunan pati na meryenda't midnight snak! Ayyy, type!

Gigi- erang bekbek. Sa kabilang banda, napaisip ako. Mukang di yata magandang ideya na si dok ohm, ako at ang malambot na kama ang magkakasama sa isang cubicle. Pag nagkataon, eksenang Falcon Productions itu. Erase! Erase! Ayokong magkasala. Isa pa pamhinta ang drama ko nang pumasok ako sa klinik na yon. Mawawalan ng continuity ang istorya pag biglang nag ibang anyo ako. So in short, just to get it over and done with, na- sitabels ni duktora ang pinakatagu tagong yaman ng pamilya. NR lang ang hitad which is good, dahil kahit tapik tapikin behave lang siya. Power tuwad at kembot combo ang ginawa ko at mamukat mukat mo, yun lang pala yon! Yey! I survived! Matapos kong fill up- an ang green and yellow form ay fum- lay na ako. Habang nasa bus, hindi maubos ubos ang mga what-if's sa utak ko kung si doc ohm ang nag physical exam sa akin. Dahil im sure we'll get along fine, tulad ng kasabihan verds with the seym peders plak chewgeder. Temptation Island mode itu. Maisingit lang diba? Chekah!

Magkamukha!

Friday, August 1, 2008

Sa mga taong nakadaupang palad ko in my 25 years of existence, nasanay na ako na meron at merong masasabi sa akin. Some are good, some are bad and some are just pfft! Back in college, noong mga panahong nagsusumiksik ako sa ga- posporong kloseta, napipikon ako pag tinutukso ako ng mga kaklase ko na "kuya dick". Naman! magkamuka ba talaga kami? Magugulat ka marce dahil ako mismo ang sumagot sa sarili kong tanong at yan ay ang naghuhumindig na HINDE! (kala mo aagree ako? muka mo! chekah!) Nang maglaon, nasanay na din ako. Eh kesa naman ma- imbudo, tinanggap ko na lang yon with a thought in mind na: "Magaling naman siyang artista, nakakuha pa nga siya ng BEST ACTOR award sa Asian TV chuchu noh!". So why not diba?. Heto ka na friend. Nang ako naman ay magtrabaho na, nagiba ang ihip ng hangin dahil tila nawala si kuya dick sa anino ko. Mas bongga ang ipinalit ng mga utaw dahil si Boy Abunda naman ang ikinabit sa akin! At dahil isa siyang magaling na host at manager, pinanindigan ko na din. Noon, sa pasilyo lang ng ABS-CBN ko siya nakikita. Pero tulad ng engkwentro ko kay Juday, wala sa hinagap kong makaka trabaho ko siya sa tanang buhay ko. May promo kasi siya noon para sa kanyang "Love Life" album at dahil nagsusulat ako for MYX, pinaunlakan niya ang imbitasyon namin para maging featured celebrity sa "Star MYX". Ito na ang pagkakataon kong mapatunayan sa sarili ko na HINDI kami magkamuka. Pero ngunit, subalit, datapwa't hindi ko na yata made- deny yan dahil ultimo ang mga tao sa studio ay nalito sa aming dalawa. Tawagin ba naman akong "Tito Boy" sa harap mismo ni Mr. Abunda?! Buti na lang at inakala niyang siya ang tinawag at hindi ako. Kung nagkataon, nailabas ko sana ang diary ni Tiyo Kardo na nagsasabing ako ang kanyang nawawalang twin (sister) at sigurado akong yun na ang hudyat ng pagkalaos nila Richard at Raymond Guttierez, isama mo pa ang Jaboom twins! Matapos ang maikling tiktak, hindi na ako nagpakipot pang magpakuha ng litrato kasama siya. Ngayong nai- blog ko na ang kwento at mga larawan na yan, kayo na ang makapagsasabi kung magkamuka nga ba kami o hindi. Pero sa maniwala kayo't sa hinde, sa HINDE na ako! Chekah!

i kell you!!!

Thursday, July 31, 2008

I was digging on some old files to delete sa aking laptop ng ma- click ko ng hindi sinasadya ang mp3 file na ito, at friend, I think I have found the cure for boredomness! Medyo pinepeste ako ng aking HD kaya di ko siya ma upload on my end. Buti na lang at may link sa youtube. Maaaring nai forward na ito sa mga email nyo noon pero for the sake of those na clueless, heto't ishe share ko sa inyo. Sino may problema sa bakla, ibuka ang hita... ah este taas kamay pala! Chekah!


Skype

Sa panahon ngayon, masasabing hindi na pahuhuli ang mga pinoy pagdating sa teknolohiya. Tanda ko pa noong ako ay baklette pa lamang ng mauso ang celfone. Si Governor Vi at Patrick Garcia pa ang naging endorser ng mala- pangkayod ng yelong Startac na kasama pag nag apply ka ng linya sa SMART. After more than a decade, nagsulputan na ang ibat ibang klase ng cellphone, depende sa lifestyle ng gumagamit. Nagkaron ako ng kauna- unahan telepono when I was in college. 'Day, dugo ang iniluha ko sa mama, lalo na sa papa ko, makamit lang ang minimithing Philips Twist na ginamit sa movie ni Will Smith na Enemy of the State. Syempre pa, bilang isang butihing anak, hiniling ko iyon nang magkausap kami ni Papa noong siya ay nasa ibang bansa pa, bilang graduation gift noong high school. Never naman kasi akong naging sakit ng ulo nila. Reward baga. But no! Kung sa talim ng pananalita ni Puder sa akin, malamang mistulang sisig na ang tenga ko sa mga salitang sinabi niya. Na kesyo hindi naman daw ako anak ng senador para magka cellphone. Taray diba? Ngayon, halos makipagsabayan na din sa aming magkakapatid ang hitad sa pagpapalit ng unit! Ni hindi siya mapakali kapag walang load ang kanyang pinaglumaang telepono! Oh, eh di lumabas din kung sino talaga ang tunay na anak ng senador diba?


There
s this new internet craze going on na mas bongga kesa yahoo messenger o windows live at yan ay ang skype. Naku marce, bongga 'to dahil real time ang video calls unlike sa yahoo na de- numero ang galaw ng tao sa video. It works the same way as any other instant messeging software pero mas maraming functionalities tulad ng skypecast. Kung dati eh nakiki- join at pa- type type ka lang sa Gay Men's Lounge ng yahoo, aba dito di ka lang magiging abala sa pakikipag pindutan sa keyboard kundi mangangawit din ang panga mo sa kaka- chika ng iba't ibang klaseng nilalang sa Earth! Pwede ka ding tumawag ng mga 1800 toll free numbers absolutely free. Kaya kung namomroblema ka sa dispalinghado mong router, hub, modem, computer parts o software, pwede kang tumawag gamit ang skype para makausap mo ng bonggang bongga ang mga tech support agents nila.
May local at international call and text features din ang skype pero syempre di na yon libre at kelangan mong magload ng skype credits para ma- avail mo yung service na yan. Salamat kay Giannet Diva sa pakikipag "blututan" ng laptop niya sa laptop ko, ngayon kinekembot ko ng bonggang bongga ang mga utaw gamit ang skype.

Pwedeng ma- download ang skype ng libre! Hinga lang ng malalim at i-click mo ang link na 'to. Go na friend!





Ang Blog... bow.

Ang pagsusulat ay isa sa mga kinatatakutan at kinatatamaran kong gawin noon. Habang ang ilan sa aking mga ka- eskwela noong highschool ay bising- busy bolahin ang mga sarili nila sa pagsagot ng mga tanong sa slum book, ako naman ay busy din sa pagbabasa ng chismis tungkol sa peyborit kong si Juday (ang magsabing baduy, mababaog!). Hindi ko alam kung anong meron ang babaeng yan at nahuhumaling ako sa kanya, not in a romantic kind of way of course. Pero, eto, sabihin nang isa akong dakilang fan, halos lahat ng pelikula at tv shows niya ay pinanood ko.

May ilan na nagustuhan ako at meron ding inisip ko na lang na for the love of kaya pinagtiyagaan kong panoorin (if not for her, hindi ko pagkakagastahan ang lintek na Ouija na yan!). Tanda ko pa noong isang beses na
sumama ako sa pinsan kong member ng fans club niya. Promo yon ng movie nila ni Wowie De Guzman at dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay napasok ko sa unang pagkakataon ang makipot na studio ng GMA 7 sa timog. Hanashan ang guesting niya dahil Startalk pa iyon with Boy Abunda, Lolit Solis at Dawn Zulueta. And then naganap na ang kauna- unahan kong kodak moment kay Juday. Halos alayan ko ng ube't kakanin ang pekchor na yan nang madebelop. Juiceko! Ang young superstar at ang nagiilusyong Tito Boy protege magkasama sa larawan na ang background ay mga jaguars at banner ng GMA Bisigbayan Foundation! Matapos niyan ay hindi na ulit ako nagpaka bibong sumama-sama sa pinsan ko sa mga Juday activities niya dahil pinagbawalan na ako ni Mudra. Pero parang eksena ni Claudine Barreto sa Iisa Pa Lamang, sinabi ko din sa sarili ko na "balang araw, magkikita din tayo sa pasilyo ng ABS-CBN at magkaka trabaho pa". Suntok sa buwan ang litanya kong iyon dahil alam kong ipagpipilitan sa akin ni Pudra na imbes MassComm ang kursong kunin ko ay mag Marine course na lang ako sa kolehiyo. But no! Wa kebs ako sa gusto niya at kinembot ko pa din ang kursong maglalapit sa akin kay Juday. Sa apat na taong iginugol ko sa kolehiyo, hindi nagbago ang paghanga at suporta ko sa kanya. Hindi ko na kinarir ang pagbili ng album niya dahil ayokong kunsintihin ang kalokohan ng manager niya! Nairaos ko ng bonggang bongga ang kolehiyo at tatlong araw pagkatapos ng graduation ay nakapagtrabaho agad ako bilang isang Call- Girl ('wag nang makelam sa adjective, blog ko 'to!) sa Makati at Commonwealth sa Quezon City. In between jobs, ay sumubok din akong magpaka involved sa showbiz nang maging manunulat ako sa MYX. Pero dahil hindi pa ako ganap na pilya't modern, isang buwan lang ang itinagal ng karera ko dun at muling nagbalik ang alindog ko sa pagsagot ng telepono sa katauhan ni ELEKTRA. Ngunit, subalit, datapwat, hindi na talaga maaalis sa katawan ko ang pagiging showbiz kaya't ako ay muling naglakas loob na balikan ang MYX for the same post. Magkahalong saya, lungkot, hulas, lapot, haggard, kiri, at landi ang inabot ko sa isang taon kong pamamalagi sa istasyong nagkaroon ng malaking bahagi ng buhay ko. But the best is yet to come dahil ang pangako ko sa sarili sampung taon ang nakalipas ay mangayayari right before my naked eyes. Si Judy Ann Santos ay magte teyping for October's MYX Celebrity Vj! Sintaas ng transmitter ng ABS ang enthusiasm ko dahil finally, makaka- trabaho ko na siya. Tatlo sa mga programang aking sinusulat ang dadaanan niya for the said teyping kaya naman binonggahan ko ang script with glitters and less baklaan/gigi all over nang di ako mapahiya sa kanya.


Eto na. Taping day. Kahit hilo pa ako sa editing the night before ay daig ko pa ang lumaklak ng isang case ng energo dahil hindi man lang ako nakaramdam ng antok friend. Natapos na't lahat ang first leg ng taping ay feeling cloud 9 pa din ako. OA na kung OA pero iba talaga ang impact ni Juday saken. Sa second part ng taping, mas naging composed na ako at di na nabubungisngis mag isa dahil sa sobrang kilig. Ang aking pareng si Miko ay may hinanda ding slight "gigi" dahil ginawan niya ko ng snail mail request for Juday's "My MYX" ep. Kalakip non ay ang kauna-unahang pekchor namin ni Juday na ikina tambling namin pareho! Salamat sa sorpresa pre at talaga namang na- "CAUGHTED" mo ang precious moments na iyon. Natapos at umere ng matiwasay ang mga episodes and I couldnt be more happier dahil sa tila maagang pamasko/pabertdey sa akin nila Sir Andre, Miss Mila and Miss Ina. Hindi naman yan masyadong halata sa pekchor ko with Juday dahil hanggang batok lang naman ang ngiti ko noh!


Medyo mahaba ang tiktak ko. Pagbigyan na't yaman din lang na perstaym ko magpost ng blog. Ibalato nyo na lang saken ang pagkakataong ibida sa una kong handog si Miss Judy Ann Santos...hihihi