Wag mo kong ma- teri teri!

Saturday, August 23, 2008

Share ko lang ang isang nakakaimbey na eksena between me and the nagmamaasim na bilatsina sa LRT. 'Wag naman sana ma- offend ang ilang pechay na nagbabasa ng mumunti kong blog dahil may mangilan-ngilan na sinasamantala ang kanilang pagkababae sa mga pampublikong sasakyan. Pauwi ako sakay ng malungkuting LRT. Tanghaling tapat noon at lapot ang lahat sa init dulot ni tita sundra. Pagdating na pagdating ng tren ay nagmamadali akong maka-plastar dahil malayo- layo din naman ang bababaan ko. Heto ka marce, dahil pag upo ko ay bigla na lang may umalingawngaw na boses sabay upsound ng "ang gentleman naman!". Siya pala ang amasonang nakipag- balyahan sakin pagpasok ng tren! 'Day, nagpanting talaga ang tenga ko kaya naman wala na akong segundong sinayang at kumawnter atak na ang beauty ko sabay ispluk ng "sa laki mong yan teh, hindi ka din magkakasya sa inuupuan ko. Jubisera!". Na- shock boogie ang hitad sa hanash ketch kaya um-exit frame na lang siya. Natawa naman si manong konstru sa engkwentro ko sa kambal ni Vangie Labalan. Kung inaakala siguro niya na magi- guilty ako, yan ay isang malaking NO! Para que pang may sariling coach ang mga babaeng pasahero kung isisiksik din niya ang sarili niya sa lugar ng mga mhin and not so mhin, diba? At nakuha pang mangonsyensya ng hitad na may magpapaupo sa kanya. The nerd huh! Naku! sa mga ganyang moments, 'wag mo kong ma- teri teri!

8 ang tumiktak:

Myk2ts said...

pangak ka jan marce! hindi papasa sakin yang jubiserang yan! nakakaloka ang eksena! palakpak ako jan mare! sana tinanong mo rin after,

"did you do it with my husband!!!?"

:)panalo

sonya sonya said...

hahaha! na- getlak mo ng bonggang bongga marce. naku, di nya mado- do ang ang husband ko, because my husband is not a pig! chekah!

Colbourn Family said...

kakatuwa naman ang blog mo...

prinsesa000 said...

nyahahaha! natawa ako mare! ang taray ng eksena mo pang telenovela winner na winner ang spiel mo bek! clap! clap! clap!

Mailap said...

astig ng blog.
hehehe nco ka ba?

Kape Kanlaon\ said...

hindi ko masyado na intindihan ang ibang terms.. pero astig pa rin!!
=)

Jhamy whoops! said...

maldita mode on ka ateng!!! naiimagine ko tuloy ang moment na un.. hahaha.. nagwagi ka!! =)

twinkle araney said...

HAHAHAHA... THATS VERI U!!! THE EVILNESS INSYD OF MY SISTERET HAHAHA