Ambastush!

Sunday, August 10, 2008

Naka chikahan ko the other night sa Skype ang aking kaibigang si Manay Reyms na mula sa mapagpunyaging bansa ni tita Merli. Isa siya sa nakilala ko noong ako ay naging pangahas sa paghahanap ng maki- kembot sa lupain nila, dalawang buwan ang nakalipas. Na- meet ko ang hitad dahil sa isang social networking site na patok sa mga bekbek. At dahil sa tansuan ang drama ng mga utaw duon, pareho kaming nagpumanggap. In short, nagpa- mhin kaming pareho na sa kalaunan ay di rin umipek dahil napagtanto namin na pareho kami ng hilig, at iyon ay ang pangungulot with matching Pagoda Cold Wave lotion on the side. Pero eto ka marce, nang mapagkasunduan naming magkita sa unang pagkakataon, hindi ko maikukubli ang aking kutob na si Manay Reyms ay isa ring ganap na sirena.

Kumota. Marami kaming naging bonding moments ng bruhang iyan. Isa na ang pagiging tourist guide niya sa akin nang dalhin niya ako sa version nila ng "Fun Place" na talaga namang bentang benta dahil doon ko naranasan kung paano ang maging isang exotic. 'Day, Im telling you, feeling DYOSA ako dahil umipek ang dramang kiput-kiputan sa mga otoks ng "Fun Place: The Tita Merlie Edition" sa mala- magnet kong karisma. Kukota ka talaga sa mga bongga at mapagpunyaging boyletz kaya di mo mamasamain maging exotic. Promise! Siya din ang sumalo sa naghihingalo kong pitaka ng kamuntik na akong mamalimos para ipambayad sa kwartong akin sanangg rerentahan. Sa maikling panahon na kami ay nagka chika, walang pagiimbot ang veykla na maglabas ng kaunting halaga at tumulong sa isang nilalang na kakulay lang ng dugo pero di kalahi. Totoo nga ang chika ng ilan na mas makakatagpo ka ng tunay na kaibigan sa isang foreigner kaysa sa kapwa mo Pilipino kapag nasa ibang bansa ka.

Bahasa Chuva. At dahil hindi nalalayo ang kulturang Pinoy sa mga Malay ng Singapura, may mga gawi, asal, at maging mga salita sila na halos katulad ng sa ating mga Pilipino. Kung babalikan mo ang naging huntahan ng iyong maestra sa Sibika at Kultura, tayong mga Pilipino ay nagmula sa lahing Malay. Kaakibat ng lahing iyan ay ang uri ng pamumuhay at sistema ng gobyerno kung saan nagmula ang balangay na kalaunan ay naging baranggay. Kaya nang magchikahan kami ni Manay ay contodo ispluk siya sa kanyang salita na kung pakikinggan mo ay parang tagalog lang pero di mo maintindihan. Kagulat gulat pero ang bekbek, mahilig palang manood ng mga pelikulang pinoy lalu pa't kung ito'y tungkol sa kabeklaan. Hay naku, bet na bet ng hitad yang si Polo Ravales dahil napanood niya ang Manay Po at nag- water ang bruha sa kissing scene nila ni Luis Alandy. Kaya kahit paano ay may alam siyang konting tagalog words, aside duon sa mga salitang kaparehas ng sa salita niya tulad ng selamat, lelaki at kung anik anik pa. Di nakuntento ang bakla at gusto pang magpaturo ng mga mapangahas na salitang tagalog. Bilang isang ganap na "Pilya't Modern" ay ibinaybay ko sa kanya ng bonggang bongga ang mga salitang tulad ng Titi, Bayag, Bulbol at Keps na siya namang ikinasaya niya. Maligalig ang hitad at tinanong sa aking kung ano sa tagalog ang salitang sex. Hindi siya matigil sa kakatawa nang sabihin ko sa kanya ang kahulugan nun sa tagalog dahil ang salitang Kantot pala sa Malay ay utot. Kaya hayun, wala siyang tigil sa kakasabi ng kantot sa Burger King na nagdulot naman ng kahihiyan sa akin dahil baka may pinoy na makarinig ng ispluk ng bakla. Hay, those were the days Manay. Having said that, namimiss ko na talaga ang hitad at looking forward akong latagan siya ng red carpet sa kanyang pagbisita sa akin ngayong darating na Nobyembre, kung suswertihin ang bruha na makapag leave sa trabaho. For sure, mae enjoy ng lola mo ang mga veklas ng kagubatang ng kamaynilaan. Chekah!

5 ang tumiktak:

Chyng said...

at saan ang Fun Place? (--,)

sonya sonya said...

along e. rodriguez lang ang "fun" place marce. yan ang version ng mga bekbek ng joliibee! chekah!

Chyng said...

oh, F!

sonya sonya said...

mismo!

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay winner ang site mo dear! sa kakahanap ko ng mga tunay na veyklas ay napadpad ako ditey sa kaharian mo. and i'm honored to have found this site of yours (o de va, ingles). gora naman kayo sa site naten: www.tunaynaveyklas.blogspot.com Ilagay na kita na official ka-chorva ko ha. Mwah! Pagpalain k ng maraming lalake!