happy new year!

Sunday, January 4, 2009

january 3, 2009
saturday...

matapos ang mala- flash bomba na trabaho, minabuti ko munang wag umuwi. yaman din lang at pagfe facebook at friendster ang aatupagin ko sa bahay, mas pinili kong gumawa ng isang makabuluhang bagay sa opisina at yan ay ang maupo sa editing. 

9:30pm
si napoleon ang editor kaya mabilis ang naging trabaho namin, partida pa dahil nagloko na naman ang lintek na makina. nang mga panahong yon ay nandoon din "siya", nage- edit sa kabilang pinto. tamang kutob lang at nasabi ko na di dapat matapos ang gabing yon na di ko siya nakakausap. di dapat matapos ang gabing yon na di niya nalalaman ang problema ko. nagka meron naman ng chance na magkasalubong kami sa lobby, short talk kung ano ine- edit niya at kung hanggang anong oras siya. 12mn daw. maghihintay ako til 12 kung ganun.

12:00am
pinagtyagaan kong panoorin ang ufc habang nagiintay sa lobby. buti na lang si kuya, nilipat ang tv at nilagay sa animal planet. finally naka- relate ako sa palabas. ok na din yun para pantanggal yamot habang naghihintay. "ang tagal..." sabi ko, parang gusto ko na umuwi. pero hindi ako naupo ng tatlong oras para sa wala. maghihintay ako. kailangan ko ng sagot.

1:30am
nakita ko na siyang lumabas, may hawak na usage at mukang naghahanap ng ballpen tapos bumalik ulit sa loob. tapos na siguro editing niya. maya- maya pa, lumabas na siya dala ang bag niya. naupo sa lobby saglit, chumika sa isang editor at lumipat sa kinauupuan ko, nakipag kwentuhan na. ok daw yung kliyente niya, mababait naman. sabi pa niya baka mapirme daw siya sa programang yun kasi nagustuhan daw ng mga boss yung gawa niya. ayaw ko nang magaksaya ng oras kaya inaya ko siya para mag kape sa baba. "may kape naman sa vendo dito ah?" sabi niya. "mas ok yung kape sa baba, dun na lang" ang sabi ko. sa totoo, di naman talaga ako mahilig sa kape. ginamit ko lang yong dahilan para magkausap kami ng mas matagal. 

1:45am
ayaw pa sana niya sumama pero nakuha naman sa pilitan. sabi ko kasi may ichi- chika ako sa kanya. sa baba, habang hinihigop ang hot milo, nagsimula na siyang magkwento. madami. di ko na matandaan yung iba. pero tungkol pa din sa inedit niyang programa. nang maubos si hot milo, naubos na din ang dahilan para samahan niya ako kaya ako na nag- ayang umalis. pero di pako tapos. may sasabihin pa ako.

2:00am
"so ano nga yung ichi-chika mo?" tanong niya. "kilala ko kung sino may crush sayo..." ang sabi ko. nakuha ko ang atensyon niya dahil pilit niya akong kinukulit na sabihin kung sino. sa huli sinabi ko na ako yon pero akala na gini- GG ko lang siya. palabas na siya ng building nang tinawag ko siya pabalik at inayang magusap ulit. sumama naman siya.

2:15am
sinabi ko lahat ng gusto ko sabihin. tinanggap niya iyon pero aniya, hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya. pwede pa nga daw maging best of friends kami pero hanggang dun lang. "lalaki ako, kaya ang hanap ko babae... tapos, may misis pa ako", dagdag niya. "eh hindi ko naman balak makipag kumpitensya sa misis mo. iba ako, iba siya", sagot ko sa kanya. natapos ang paguusap namin ng maayos. nabigyan ng sagot ang mga tanong. natuwa ako kasi walang luha na bumagsak habang sinasabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin. sabi niya wag ko na daw alalahanin yon at ok pa rin kami, walang magbabago. sana nga. hindi ko alam kung paano kami sa mga susunod na araw. kaya ko naman siguro magkunyaring walang ganun engkwentro na nangyari sa amin. ewan ko lang sa parte niya.

3:00am
nilakad ko mula opisina hanggang sa sakayan ng bus. weird pero wala ako masakyan pauwi dahil ultimo non-aircon bus ay puno. parang walang gusto magsakay sa akin. napa- taxi tuloy ako. sabay sa pagsara ng pintuan, bumagsak ang luha ko. 

kamote

Saturday, December 27, 2008

in love ka. pero yung taong kinai- inlove- an mo di ka naman sure kung in love din sayo. ang kamote naman nun. one way love, dapat nga bang patusin? lampas isang buwan ko na ding kinikimkim ang feeling na yan sa taong di ko sigurado kung bet din ako. gaya ng mga napagdaanan ko noon, heto't hilong talilong na naman ako at bising bisi lumablayp. marami na sa mga kaibigan ko ang bumasag sa trip kong 'to. na kesyo wag na umasa kasi wala din naman kahihinatnat ang kembot ko. oh well papel, bahala na si batman, pati na si robin at krystala.

basta in love ako, mga shet!

Hep hep... hurray!

Saturday, October 25, 2008

Matapos ang halos 2 buwan na pagikot ng tumbong ko sa trabaho, maligalig na naman ako dahil nabisita kong muli ang aking mumunting blog. Matagal tagal ko ding 'di nadatnan ang espasyong ito at kung baga sa buwanang dalaw, ninenerbyos na ako dahil 2 months na akong delayed. O diba maisingit lang.

Anyway, panahon na naman ng takutan at kababalaghan. Aminado ako na bukod sa pagiging baklita, isa din akong dakilang matatakutin sa mga kwentong multo na yan. Potek! Ilang beses na din akong nakaranas na mahirapang makatulog sa gabi dahil ayaw ako tigilan ng mga tiyanak at white lady sa isip ko. Takot din ako sa dilim. Pero sa aking pagtanda, napagtanto ko na may mabuti ding dulot ang dilim sa buhay mga buhay natin. Una, mahirap makatulog nang bukas ang ilaw. Pangalawa, mas preferred ko ang lights off kesa on dahil bongga ang dramang kapaan sa dilim (aminin mo marce, mas may thrill kapag di mo nakikita ang kinakapa mo diba?...hihihi). At pangatlo, sa tindi ng krisis na dinadanas natin ngayon, mas mabuti na ang nagtitipid ng bayarin sa kuryente.

Eh ano bang punto ng blog entry kong ito? Simple lang. Wala. As in wala lang. Yaman din lang at ang lahat ay kinakarir ang halloween, eh di jujoin na din ako! Chekah!

Dinadaan ko na lang sa pag chorva ng walang kwentang post ang pagkayamot ko dahil up until now wala pa (ulit) akong natitisod maging jowa. Nakanang!