Masustansyang Post

Monday, August 18, 2008

Bata pa lang ay hindi ko na talaga na- typan ang lasa ng gulay. May kung anong kilabot ang napi- feel ko sa mga luntiang dahon na yan tulad ng kangkong at talbos, lalong lalo na ang pechay! Exception pa din ang talong siyempre, at alam mo kung bakit. Chekah!

Di man ako nahilig sa gulay, bumabawi naman ako sa pag- laps ng fruits. Bet ko ang mangga, mansanas, ubas, melon, orange at syempre pa, ang saging. Dun ko na lang hinuhugot a
ng sustansyang dapat sana ay nakukuha ko sa gulay. Sinubukan ko ngang linlangin ang aking sarili sa pagaakalang magiging makulay din ang buhay ko pag ginamitan ni mudra ng meaty panggisa mix ang lintek na ampalaya ngunit di siya nagwagi. Hindi daw nagsisinungaling ang mga bata, pero sa pagkakataong ito ay naisahan ako ng barkada ni Sharlene San Pedro na sumasayaw sa tv commercial habang masaya at kunyaring sarap na sarap ngumuya ng ginisang gulay. Che! Mga Gigi!

Bueno, yaman din lang at napaguusapan ang mga gulay at prutas na yan, napa tambling talaga ako sa kakatawa ng ma- caughted kong sum
u song and dance number ang isang bagong all girl group sa tv noong sabado ng gabi sa saliw ng awiting One Night Only. Aliw silang panoorin kase parang intermission lang sa Recognition Day ang drama nila. Kung ang amerika ay may PCD, ang pilipinas ay meron namang PJF o Philippine Juicy Fruits! Binubuo ito nina Makopa, Kaymito, Mangga at Langka. Hindi naka- join sina Aratiles, Rambutan at Papaya sa listahan dahil hindi pa sila napipitas ayon sa kanilang manager na si Miss Bella Dimayuga, na siya ring nagpasikat sa Bellestar Dancers na kumembot ng bonggang bongga sa GMA Supershow ni kuya germs noon.
















Akala ko isa lang itong promo ng Wrigleys kung kaya nagkaroon ng PJF. Aking napag-alaman na hindi sila kunektado sa kumpanya so inassume ko na lang na sila ang susunod na tropical offering ng Big Chill o di naman kaya ng Zagu. Kaya ngayon pa lang ay dapat kabahan na ang Baywalk Bodies pati na ang Sexbomb, dahil for sure ay kakain sila ng alikabok sa mga babaeng ito. Abangan ang pagsasahimpapawid ng kanilang debut single na Shake it to me Baby sa radyo, pati na ang kanilang mall at palengke tours nationwide, dahil balita ko ay mamimigay daw sila ng mga fruit baskets na may kasamang cd-lite nila. Talbog!





5 ang tumiktak:

Jhamy whoops! said...

OMG! totoo ba to! nakakatawa ang pangalan nila.. parang pinag halong pangalan ng gum at bus! astig!! heheheh!!

=)

sonya sonya said...

trulalu at walang halong kemerlu ang chikang yan marce. seryoso talaga si bella dimayuga na pasikatin ang mga hitad. good luck talaga...hihihi. salamat ng bonggang bongga sa pagbisita marce :)

canky.is.me said...

LMAO.:))))))

muntik na kong malaglag sa upuan! lafftrip tong post mo neng! di ko kinaya ang mga kaprutasan na ito hahahaha!!

pucha ang mga fezlak parang nilagyan ng mena? chinchanzu? o caladril ata yan eh! kaloka to ha.

sonya sonya said...

nakapag guest na sila sa channel 4. next stop naman nila ay sa walang tulugan. hindi na nila mahintay ang loot bag na ibibigay ni kuya germs na naglalaman ng vcd from magnavision pati mga pocket books from precious hearts romance. bongga!

Jill said...

Really? these girls exist? Lulz hindi ko kinaya ito marce! at sino naman kaya ang mahahalina sa kanilang mga pagkembot aber?!? ahaha